Ang Aking Kwento....

Wednesday, February 15, 2006

paano ako nag-ceLebrate ng Valentine's Day...

hay naku, dumaan na naman ang Valentine's Day at xempre, nagsilabasan ang mga "magsing-irog cherva" sa paligid...


weLL, weLL, weLL, kung ako ang tatanungin, ganito ang nangyari sa sarili kong "Araw ng mga Puso"...

sa totoo lang, tinamad akong pumasok dahil Valenzuela Day din ang feb 14 at nasanay na akong walang pasok nun...... hehehehe

pero dahil mahal ko ang Manila Times, pumasok ako..

unang bumungad sa'kin ang isang short quiz na hindi ko alam kung bakit mababa ang nakuha ko eh halos kinabisado ko na nga yung lesson namin.... sabi kasi ng prof., pag nakita raw ang mga words na ganito chuchu, eh may puntos daw....

sa kasamaang palad, wala sa interpretasyon ko ng mga sagot yung mga "words" na yun...

hmp!!!!

nawindang naman hindi lang ako kungdi pati ang buong JS1A nang malaman naming may Broadcast Training kinahapunan... actually, masaya kami sa subject na yun dahil na rin kay Sir Chito, yun nga lang, nagulat kami kasi ang alam namin eh uwian na pagpatak ng alas dose ng tanghali...

bago ako umuwi eh dumaan muna ako ng SM Manila para tumingin ng sandals na gagamitin ko sa kasal ng pinsan ko... doon eh may narinig akong banda na kumakanta ng mga love songs na xempre, pinaliligiran ng mga tao..

ako naman, hayun at todo hagilap ng magandang sandals... pero nang maubos ang energy ko, nag-decide akong umuwi na lang..

pero xempre, ang hindi ko pinalampas sa araw na yun eh ang nakakapagpasaya sa'kin, ang ice cream... bumili ako nun bago umuwi kaya ang ending, naging kumpleto na ang araw ko....

mejo nagka-aberya nga lang pauwi dahil sarado ang kalye sa may Monumento dahil sa Kasalang Bayan kaya't for the first time eh nilakad ko yung Monumento Circle!!!! kaloka di ba?!?!?!

kaya pagdating ko sa bahay, sa sobrang pagod eh hindi na ko nakapanood ng PBB at nakatulog na lang ako....

at xempre, binigyan naman ako ni Lord ng magandang gift dahil nakatulog ako ng 12 hours....


haaayyyy......



muli, sa lahat ng mga tao, HAPPY VALENTINE'S DAY!!!!

Tuesday, February 07, 2006

2.75...

grabe, nabigla ako nang malaman ko kung ano ang grade ko sa English 2...

tumataginting na 2.75 lang naman!!!


napakasaya...


nung una uminit ang ulo ko, pero di naglaon, nawala naman na kasi na-realize ko na may mga pagkakamali rin ako..


malamang, lesson na rin sa'kin yung nangyari...


tinanggap ko naman na ng maluwag sa aking dibdib dahil di naman daw pala line of 7 ang equivalent nun..


ayaw ko kasi nun..


basta kahit anong grade pwede sa'kin, wag lang nasa line of 7..


bumababa na masyado ang tingin ko sa sarili ko..


pero di ko naman sinasabing MATALINO ako at nag-eexpect ako ng mataas..


alam kong may ginawa naman ako para sa mga subject na 'yun


kahit paano....

Sunday, February 05, 2006

aishite imasu


ok so nakita ko na naman ang pelikulang "Aishite Imasu"...

hindi ko naman ipinagkakailang paborito ko talaga yun...

napagtanto ko nga lang, ilang beses ko na nga bang napanuod yun??


weLL palagay ko, yung kagabi, pang lima na...

o di ba?!?!?!?!

halos makabisado ko na ang buong pelikula...


hehehehe


kungsabagay, kapag paborito mo nga naman, hinding-hindi ka magsasawa...


teka, sino naman kaya ang makakapagsabi sa'kin ng "aishite imasu"???

nagtatanung lang..... hehehe = )

may pasok na!!!

hahahaha... may pasok na ulit kami bukas.... ang taray di ba, matapos ang isang linggo ng kunwaring sem break, eto na ulit..... hehehehehehe

ang laki ng pasasalamat ko kay Lord kasi nakatapos na naman ako ng isang sem, at heto't nakapag-enrol na ulit....


haayy, nawa'y maging ok tong sem na to...

balita ko nga ang p.e. namin eh table tennis...

oh my gulay,, hindi pa naman ako marunong nun!!!


wahaha, pano po kaya yun??

sana madali akong matuto para naman hindi ako mapahiya noh!!!


sa tree planting naman, haayy, todo energy level ang kailangan..


magawa ko rin sana...


at bago ko tapusin to, nawa'y maging mabait naman sa'min ang mga prof this sem...


takot kasi ako sa mga masusungit at naninigaw...


kaya para sa'ting lahat,,, good luck sa parating na third sem!!!!

Saturday, February 04, 2006

..............


Lord, ang tanging hiling ko lang ngayon eh sana'y mabigyan ng tulong ang lahat ng mga nasaktan at nasawi sa trahedya kanina sa ULTRA...

magkaisa na sana kaming mga Pilipino hindi lamang sa puntong ito kungdi sa lahat ng oras..


alam po naming ang pangyayaring ito ay marahil may isang malaking leksiyon hindi lamang sa mga nawalan at mga taong nagsagawa ng pagtitipon na ito ngunit pati na rin sa aming lahat...


sumalangit nawa ang mga kaluluwa ng nasawi at nawa'y magkaroon na ng kagalingan ang iba pang nasaktan...


nawa'y pagkalooban Mo po kami ng lakas lalung-lalo na ang mga taong nasangkot sa insidenteng ito...


at higit sa lahat, gabayan Mo po kami sa araw-araw upang hindi na muling maulit pa ang ganitong klase ng trahedya...


Ikaw na po ang siyang bahala sa amin....


AMEN

akaLain mong...

sa nangyaring stampede kanina sa ULTRA, muling bumalik sa isip ko na ang buhay, mapaglaro at mabilis lang...

akalain mong, nagpakapagod silang pumila sa pag-asang baka sila ang palaring manalo ng mga malalaking premyo, pagkatapos nauwi lang sa wala.... nagkasakitan, nasugatan, ang iba'y hindi na talaga nakapasok sa loob, at ang pinakamasaklap, may mga nagbuwis ng kanilang buhay..


nakakalungkot talaga ang mga naganap na iyon... akalain mong sa unang anniversary special nila, ganun ang nangyari... halos ilang buwan din nilang pinagplanuhan ang sana'y masayang pagtitipon na iyon...


sa panood ko ng tv, nakita ko kung gaano karaming tao ang nagnais na makapasok sa loob ng ultra... kahit wala akong kamag-anak o kakilala doon, nararamdaman ko ang lungkot at pighati ng bawat isang nasaktan at nawalan...

ngunit ang pinakanaramdaman ko ay ang pagkaawa.. una dahil sa nakita kong sitwasyon ng mga tao doon... mantakin mo yung effort nila para lang makarating dun at halos magmukhang camping site na ang paligid ng ultra..

at ikalawa, awang-awa ako dahil sa nakita kong lugmok pa rin sa kahirapan ang karamihan sa'ting mga Pilipino.. andung nakakakita na lamang sila ng pag-asa sa pamamagitan ng programang tulad ng wowowee... wala naman akong sinasabing masama ang sumali sa mga ganitong uri ng palabas... ang pinupunto ko lang ay nang dahil sa walang maayos o sabihin na nating walang makuhang trabaho ang ilan, ang pagbabakasakali at pag-asa sa swerte ang pinakamadaling paraan...


hindi ko naman sinisisi ang mga taong pumunta, ang staff ng wowowee, at pamunuan ng ABS-CBN sa pangyayari... at sino ba naman ako para manumbat hindi ba?? isa pa lang akong ordinaryong mamamayan ngayon... walang sinuman ang may gusto sa nangyari...

inaamin ko, naiirita ako noon sa sinasabi ni Mr. Willie Revillame na:
"Ang tanging hangad lang po namin dito sa Wowowee ay mapasaya at makapagbigay tulong sa aming mga kapamilya..."

paulit-ulit niya kasing sinasabi yun o ba ka natataon lang na kapag nilipat ko ang channel eh yun ang sinasabi niya... na kulang na lang eh i-record yun at patugtugin lagi kapag wowowee na... sa aking palagay, ang mga katagang iyan ay akmang-akma sa nangyayari ngayon... tama siya, kasiyahan ang nais nilang ibigay at hindi kaguluhan... tutal, sino nga ba naman ang may nais nun hindi ba?



Friday, February 03, 2006

anong petsa na...



anong petsa na?!?!?!??!

gising pa rin ako?!?!?!


matapos akong magpakapagod at maubos ang aking energy level, heto pa rin ako...


lakas trip....



hehehehehe = )

meow.....

share ko Lang 'tong pic ng isang pusa....

cute kasi....

sana magkaroon ako ng ganito.... = )












Thursday, February 02, 2006

katakot...

ok so isang misteryosong pangyayri ang nangyari kani-kanina lang...

pinatay ko ang pc ko dahil may kailangan akong gawin...

alam kong "Shut Down" talaga ang na-click ko pero nagtaka ako kasi apgbalik ko, bukas na ulit xa


as in....


pano mangyayari yun kung "shut down" talaga ang na-click ko at kahit naman "Restart", dapat pagbalik ko eh nasa desktop na dahil nga natagalan ako...


pero ang kaso, hindi... inabutan ko xang naglo-load...

ano yun?!?!?!??!?!

Wednesday, February 01, 2006

goooooodddd moooorrrnnniiinnggg!!!!!!


magandang umaga luzon, visayas, at mindanao!!!

hello Philippines and hello world!!!!


weLL, kagigising ko lang kaninang mga 10:00 am....


mejo kaasar kasi hindi ako nakatulog ng halos 11 hours...... yun kasi ang gusto ko eh....


at anung oras nga ba yung last post ko dito??


hehehehe


pero kahit pano, ok naman ang gising dahil pagbukas ko ng radio, mga gusto kong songs ang narinig ko....


tapos ang almusal ko eh yung paborito kong tikoy.....


salamat nga pala kay kendrick sa mga pinamigay niyang tikoy kahapon!!!!


hehehehehe



feb. 2 na ngaun..... bukas, birthday na ni kuya julius!!!!!

naku si LoLo!!!!

yung lolo ko, ginulat ba naman ako at sinabing bakit hindi pa ko natutulog???

haayayayayayayy......

grabe ito ha, hindi na nga ako nanonood ng t.v. para lang dito sa kinalolokohan kong blog.... (so anong kuneksiyon nun???)


hmp!!! eto na nga lang ang kasiyahan ko noh!!!!

hehehehehe


tama nga naman siya, gabi na..... kaya lang, di pa ko inaantok....

gusto ko pang pudpudin ang mga daliri ko dito sa kinalolokohan kong blog...


bakit nga ba eto napagtripan ko ngaun??

haayyy........

from UST to Times...


wow, naalala ko na naman yung nangyari sa'kin nung pasukan....

matapos akong pumila sa isang akala mo'y concert pero enrollment lang naman pala, magpabalik-balik para sa uniform at pagkuha ng dorm, magdrama sa interview, at higit sa lahat, matapos kong ipasa yung test, after two weeks, kaboom!!!! nag-drop lang ako at umalis....

baliw talaga ako noh???? ewan ko ba, bakit ba bigla akong nalungkot magmula nang pumasok ako dun.... sobrang nawalan ako ng gana pumasok dun.... siguro kasi pinilit ko yung sarili ko na gustuhin ang course na yun.... pano, sabi ng mommy ko kahit anong course daw ang piliin ko basta related sa medicine...


weLL, B.S. Occupational Therapy ang course ko sa UST... nung unang araw pa lang, parang gusto ko nang lumayas dun....mas lalo na nung pumunta kami ng lab para sa Zoology class..... waaaaaahhhhhhh!!!!!! sobrang kinabahan ako sa mga nakita ko dun..... nakakatakot talaga....

eeeeeeeeeeeeeeewwwwwwwwwwwww!!!!!!!!!!!!!!!!

ayoko na talaga!!!!! at etong pinakamatindi, naghanap lang ako ng cr, aba'y mantakin mong mapadpad ako sa isang madilim na sulok ng building at paglingon ko eh mga dead bodies ang aking nasilayan!!!! and take note, maglulunch pa ko nun!!!

parang gusto ko nang mahimatay nung mga oras na yun...

naisip ko, hindi ako magtatagal dito, ayoko na!!!!


buti na lang, madaldal ako at naikwento ko sa isa kong teacher nung high school (sir Tolits!!!!) na gusto ko nang kunin yung talagang gusto ko.... MassComm o di kaya Journalism (Broadcasting)... at tinanung niya:

"Kilala mo ba si Tere, yung ka-batch nina Jeronnel?"

sagot ko naman "Yung maganda at maputi??, opo!!"

"Nagaaral siya sa Manila Bulletin ba yun o Manila Standard.... Basta ang alam ko Journalism o MassComm ang course niya...."

(o di ba ang taray, walang tumama!!! hehehe)

ang ending, kinuha ko yung number ng aking tagapagligtas at dahilan kung bakit ako nandito sa The Manila Times School of Journalism....

pagkakuha ko ng test eh sinabihan na ko ni ma'am boayes na mag-drop na sa UST na ginawa ko naman talaga ng walang pag-aalinlangan...


nakakaiyak talaga..... huhuhuhu...... salamat talaga ate tere......

at siyempre, salamat din kay ma'am boayes at tinanggap pa ko kahit 3 weeks nang tumatakbo ang klase noon...


haayyy, isa na lang siguro ang masasabi ko ngaun, masaya ako sa naging desisyon ko kahit na ang iba sa miyembro ng aking pamilya eh ayaw sa course ko....

masaya ako dito......

sobra....

salamat sa inyo, TMT-SJ!!!

february na paLa....


magmula paggising ko kaninang umaga, ngayon ko lang napansin na february na pala... grabe, ang weird nun ha!!!

hmmm, kung tutuusin, naging ok naman tong araw na to..... kahit na parang wala rin namang nangyari sa sem break namin......

so ibig sabihin nito, malapit nang mag-Valentine's Day??? tama, feb. 14 yun.. di ba birthday din yun ni Kris Aquino??? at syempre, Valenzuela Day.....

sayang nga lang kasi sa Manila na ang school ko kaya may pasok ako ng feb. 14.....

kungsabagay, ala naman akong pakelam dun.... ang iniisip ko ngayon eh ang feb. 18 kasi ikakasal na ang aking kuya bupbup...... waaaaahhhhhh....

syempre, may special participation ang lola mo noh!!!!

bridesmaid ako dun....


hahahahaahaha.....


grabe, ang una't huli kong papel sa isang wedding eh "Little Ms. Maid of Honor", grade 4 pa ko nun(saLamat ninang!!!) tapos hindi na naulit....

after seven years, o di ba, ako'y muling nagbalik upang magsabog ng kababalaghan este kasiyahan at pagmamahal sa kasal nina kuya bup at ate chay.....

actuaLLy hindi naman ako excited eh (owwss!!!!) november pa Lang nasabihan na ko, at nagpasukat na rin ng gown.... hehehehehe


haayy, sayang nga lang kasi unang araw yun ng aming Clean and Green Project, di pa ko makakapunta... = (


pero dont worry JS1A, kahit naka-gown ako, hahaboL ako at maghuhukay ng lupa para lang sa inyo!!!!!

true coLor ko..... ( = tnx kina nemie at julio = )


Natry nyo na ba yung test para malaman kung ano ang true coLor mo??

ang cute nga eh kasi sobrang tama talaga nung nakuha kong resuLt...

eto yun:







Jeraine Grace, your true coLor is YeLLow!!


You're yeLLow, the coLor of joy and energy - two things you definitely bring to everyone around you. It's hard for anyone to be sad or lonely in your prescence; your sunny disposition and cheery outlook just won't allow it. The warmth of your personality shines through in the kindness you show friends and family (and strangers, too). Always ready with a lighthearted joke or heartfelt compliment, you know how to make people feel good about themselves, so they can't get enough of you. Yellow is a warm and inviting color for a warm and inviting person - you!



ang saYa!!!!

ang saya- saya ng life ngaun...

kanina ko pa nga dapat nai-post to, puro error on page lang dun sa pc na gamit ko sa may newsroom...

haayy...

parang ang gaan ng feeLing ko ngaun....

uy, hindi ako nagddrugs ha!!!!

hehehehehehe

masaya lang ako ngaun....

ahihihihihihi........


sobra.....

web stats analysis