GAME KNB?
kamusta naman???? tagal ko nang hindi bumisita dito...
well, ang dami ko kasing mga pinaggagawa nitong mga nakaraang araw..
last january 16, ininterview ako sa U.S. Embassy... at xempre, thank God, naipasa ko ang sobrang kakanerbyos na interview na yan..
january 18 naman, aba, akalain mong dumating kaagad ang visa ko...oh di ba, san ka pa?!?!?!?
january 19, tinawagan na ako ng contestant coordinator ng PGKNB and he confirmed na may screening by the following day..
so, fly-fly ang beauty ko sa ABS-CBN nung january 20 para sa screening...
akala ko nga hindi ako matatanggap kasi nung mag-written exam kami, nagkataon na mga hindi ko alam yung sagot sa mga questions... pero sa aking palagay, naging maganda naman yung pagsasalita ko at pagpapakilala ng sarili sa mga kasama ko sa screening... kailangan daw kasi na maging creative sa pag-introduce ng sarili..
at ito na nga, january 21, naku nagulat na lang ako nang makatanggap ako ng tawag at naloka ako dahil confirmed na nga ang pagsali ko sa PGKNB!!!!
pero xempre, tulad ng mga teleserye at pelikula, may conflict din dapat ito:
nagdadalawang isip akong pumunta sa ABS-CBN kasi may final examination ako sa araw din mismo ng taping namin..
ipit na ipit di ba????
pareho kong gusto pero kailangan kong mamili ng isa. napakahirap mag-decide kaya humingi ako ng tulong sa mga taong pinagkakatiwalaan ko pati na rin sa Kanya...
at ito ang nakapagbigay ng sagot sa akin... isang text message mula sa isang kaibigan:
"it's not everyday na makakalaro ka sa gknb..."
kaya sinabi ko sa sarili ko, bahala na... come what may..
kinabukasan, january 22, dumaan ako ng school para magpaalam... wala raw assurance na pwede pa akong makakuha ng exam.. pero sabi nila, it's my decision daw...
kaya tumuloy ako...
2 PM ang call time sa dressing room #2... xempre, ayun, may briefing muna, practice game and libreng make-up at pag-style sa hair.. (ang taray di ba???)
sa pangalawang game ako naka-schedule, so habang naghihintay, ayun, binusog muna namin ang aming mga mata sa mga artistang dumadaan sa hallway...
at around 6 PM, nag-start na ang aking laro..
sabi ko sa sarili ko, kung anuman ang mangyari, ang mahalaga nakarating ako dun at ma-enjoy ko ang laro..
at yun nga ang ginawa ko... mejo atat na atat akong mag-swipe kaya sa first two questions ng atras-abante round eh mali ako...
pero mabait talaga si Lord!!! hindi Niya ako hinayaan na magkamali ng magkamali..
una akong nakarating sa yellow lane, at may bonus na 10k..
pero sa challenge round, ayun, down to two answers kami at talagang na-blangko na ko...
but for me, ok na rin eh... tignan mo naman, ang daming blessings na dumating di ba????(pwera usog!!!)
talagang iba Siya...
kung hindi man ako naging champion, wagi pa rin ako sa dami ng blessings Niya sa'kin...
haayy...
siguro, hindi ko pa rin time para maging champion talaga...
pero i know naman na darating din yung time na ako rin ang hihirangin na CHAMPION...
basta't magtiwala lang ako sa Kanya...
so panu, next time na lang ulit!!!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home