Ang Aking Kwento....

Saturday, June 17, 2006

ang taekwondo, bow....

bwahahahhahahaha!!!!! ako'y muling nagbalik na naman dito..


hmmm, ibabahagi ko lang naman ang mga nangyari sa buhay ko kaya wag ka nang makialam kung di mo trip ang kwento ko..... (hala, nang-away na!!!)

naku, sobrang nawiwili ako sa taekwondo ngaun!! ahahahaha.... dati-rati, takot na takot akong pumasok dun kasi feeling ko eh hindi ko kayang magsisipa at kung anu-ano pa..


pero, wagi naman kahit pano ang kabaklaan kong ito dahil pinipilit ko talagang matuto....meron nga lang ilan na natatakot akong gawin tulad nung jump kick na yun na sobrang ikinakanerbyos ko...


kanina naman, haayyy, hindi ko talaga makalimutan!!!!

paano ba naman kasi, konti na lang eh susubsob na ang pagmumukha ko sa sahig!!!!


ahhhhh!!!!!!!!
mejo nawalan kasi ako ng balanse kaya ayun, muntik nang madisgrasya ang aking mukha at kamuntik nang mabawasan ang aking face value (hehehehehe)
SALAMAT na lang kay Lord at sa hindi malamang dahilan eh nakatayo ulit ako....
pero infairness ha, sobrang enjoy ang pagpasok ko dito.... hanggat maari talaga sinusulit ko habang hindi pa ako nakakapasok sa Times....
at xempre, lalung sumasaya ang pagpasok dahil sa mga mababait na masters at mga classmates ko dun.... kahit dun lang talaga kami nagkakasama, eh ok pa rin... may tamang asar, tamang fans club, tamang tawa, at higit sa lahat, tamang suntok at sipa...
sa totoo lang, masarap talaga ang pakiramdam kasi kapag nasa training ako, naibubuhos ko yung mga masamang emosyon na nararamdaman ko... yung tipong ayaw mong ibanat sa tao kasi ayaw mong makasakit... at least dito, kahit paano, gumagaan ang loob ko...
haaayyyyy......
pero nawa ay dumating naman ang panahon na kahit paano eh tumaas naman ang ranggo ko dito... nawa'y ma-promote naman ako noh!!! hehehehe.... yun nga lang, mejo natatakot pa akong kumuha ng exam....hahahaha...
hay naku, o sige na at sa susunod na lang ulit ako maghahasik ng lagim dito...
bye!!!
yah!!!!

web stats analysis