paano ako nag-ceLebrate ng Valentine's Day...
hay naku, dumaan na naman ang Valentine's Day at xempre, nagsilabasan ang mga "magsing-irog cherva" sa paligid...
weLL, weLL, weLL, kung ako ang tatanungin, ganito ang nangyari sa sarili kong "Araw ng mga Puso"...
sa totoo lang, tinamad akong pumasok dahil Valenzuela Day din ang feb 14 at nasanay na akong walang pasok nun...... hehehehe
pero dahil mahal ko ang Manila Times, pumasok ako..
unang bumungad sa'kin ang isang short quiz na hindi ko alam kung bakit mababa ang nakuha ko eh halos kinabisado ko na nga yung lesson namin.... sabi kasi ng prof., pag nakita raw ang mga words na ganito chuchu, eh may puntos daw....
sa kasamaang palad, wala sa interpretasyon ko ng mga sagot yung mga "words" na yun...
hmp!!!!
nawindang naman hindi lang ako kungdi pati ang buong JS1A nang malaman naming may Broadcast Training kinahapunan... actually, masaya kami sa subject na yun dahil na rin kay Sir Chito, yun nga lang, nagulat kami kasi ang alam namin eh uwian na pagpatak ng alas dose ng tanghali...
bago ako umuwi eh dumaan muna ako ng SM Manila para tumingin ng sandals na gagamitin ko sa kasal ng pinsan ko... doon eh may narinig akong banda na kumakanta ng mga love songs na xempre, pinaliligiran ng mga tao..
ako naman, hayun at todo hagilap ng magandang sandals... pero nang maubos ang energy ko, nag-decide akong umuwi na lang..
pero xempre, ang hindi ko pinalampas sa araw na yun eh ang nakakapagpasaya sa'kin, ang ice cream... bumili ako nun bago umuwi kaya ang ending, naging kumpleto na ang araw ko....
mejo nagka-aberya nga lang pauwi dahil sarado ang kalye sa may Monumento dahil sa Kasalang Bayan kaya't for the first time eh nilakad ko yung Monumento Circle!!!! kaloka di ba?!?!?!
kaya pagdating ko sa bahay, sa sobrang pagod eh hindi na ko nakapanood ng PBB at nakatulog na lang ako....
at xempre, binigyan naman ako ni Lord ng magandang gift dahil nakatulog ako ng 12 hours....
haaayyyy......
muli, sa lahat ng mga tao, HAPPY VALENTINE'S DAY!!!!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home