akaLain mong...
sa nangyaring stampede kanina sa ULTRA, muling bumalik sa isip ko na ang buhay, mapaglaro at mabilis lang...
akalain mong, nagpakapagod silang pumila sa pag-asang baka sila ang palaring manalo ng mga malalaking premyo, pagkatapos nauwi lang sa wala.... nagkasakitan, nasugatan, ang iba'y hindi na talaga nakapasok sa loob, at ang pinakamasaklap, may mga nagbuwis ng kanilang buhay..
nakakalungkot talaga ang mga naganap na iyon... akalain mong sa unang anniversary special nila, ganun ang nangyari... halos ilang buwan din nilang pinagplanuhan ang sana'y masayang pagtitipon na iyon...
sa panood ko ng tv, nakita ko kung gaano karaming tao ang nagnais na makapasok sa loob ng ultra... kahit wala akong kamag-anak o kakilala doon, nararamdaman ko ang lungkot at pighati ng bawat isang nasaktan at nawalan...
ngunit ang pinakanaramdaman ko ay ang pagkaawa.. una dahil sa nakita kong sitwasyon ng mga tao doon... mantakin mo yung effort nila para lang makarating dun at halos magmukhang camping site na ang paligid ng ultra..
at ikalawa, awang-awa ako dahil sa nakita kong lugmok pa rin sa kahirapan ang karamihan sa'ting mga Pilipino.. andung nakakakita na lamang sila ng pag-asa sa pamamagitan ng programang tulad ng wowowee... wala naman akong sinasabing masama ang sumali sa mga ganitong uri ng palabas... ang pinupunto ko lang ay nang dahil sa walang maayos o sabihin na nating walang makuhang trabaho ang ilan, ang pagbabakasakali at pag-asa sa swerte ang pinakamadaling paraan...
hindi ko naman sinisisi ang mga taong pumunta, ang staff ng wowowee, at pamunuan ng ABS-CBN sa pangyayari... at sino ba naman ako para manumbat hindi ba?? isa pa lang akong ordinaryong mamamayan ngayon... walang sinuman ang may gusto sa nangyari...
inaamin ko, naiirita ako noon sa sinasabi ni Mr. Willie Revillame na:

"Ang tanging hangad lang po namin dito sa Wowowee ay mapasaya at makapagbigay tulong sa aming mga kapamilya..."
paulit-ulit niya kasing sinasabi yun o ba ka natataon lang na kapag nilipat ko ang channel eh yun ang sinasabi niya... na kulang na lang eh i-record yun at patugtugin lagi kapag wowowee na... sa aking palagay, ang mga katagang iyan ay akmang-akma sa nangyayari ngayon... tama siya, kasiyahan ang nais nilang ibigay at hindi kaguluhan... tutal, sino nga ba naman ang may nais nun hindi ba?
0 Comments:
Post a Comment
<< Home