Ang Aking Kwento....

Monday, December 31, 2007

ANG TAONG NAGDAAN... BALIKTANAW SA 2007...

January
01 - New Year!!!
17 - pumasa ako sa interview sa U.S. Embassy
18 - i got a call from Sir Joey ng Pilipinas, Game KNB?
20 - GKNB interview at konting pasiklaban... hehe
21 - nakatanggap ako ng tawag at kasali daw ako sa GKNB!
22 - actual game,may final exam ako sa Nat. Sci., pero i chose to grab the GKNB opportunity
- infairness, nanalo ako ng 20k..hehe
26 - pinalabas sa tv ang GKNB kasama ang inyong lingkod =)
- technically, my last school day sa Times
- ipinalabas ang Baila (at kumanta ako ng Desperado!)haha

February
19 - birthday ni Mareng Lita (Angelo) at nasilayan muli ng Times ang kabaklaan ko

March
06 - nag-email ako sa Wish Ko Lang
19 - nakatanggap ako ng reply mula sa Wish Ko Lang staff

April
01 - WRESTLEMANIA 23!!!
03 - nag-shoot kami para sa isang episode ng Wish Ko Lang
04 - bumili na ako ng plane ticket papuntang Vegas
- napanood ko ang WM23!!!(talo papa Dave, wagi papa Cena)
21 - i'm not really sure pero ito ata ang araw na pinalabas ang Wish Ko Lang episode na kasama ako...haha

May
04 - todo na ito, talagang huling paalam sa mga kaibigan sa Times
06 - despedida party/fiesta sa bahay namin sa valenzuela
07 - huling araw ko bago ako umalis, nadapa pa ako sa kalsada..hehe
08 - OMG! it's for real! aalis na ako!
- first time kong sumakay ng eroplano... hehe
- (Vegas time) dumating ako ng Vegas...
11 - first time kong manuod ng Friday Night SmackDown! sa talagang Biyernes ng gabi... (Batista vs. Undertaker, steel cage match...hehe)
12 - b-day ng mommy ko na magkasama na kami...haha
28 - unang araw ko sa trabaho kuno...

June
21 - naipasa ko yung written exam sa driving...may instruction permit na ako!yehey!
25 - first day ng driving lessons ko sa kalye ng America... hehe
- Benoit Family Tragedy (R.I.P.)

July
28 - first live show ng WWE Raw sa Vegas na nandito ako.. pero hindi ako nanood kasi house show lang eh, gusto ko makita sa tv... hehe
31 - ACTUAL ROAD TEST para magkaron na ako ng Driver's License... sa awa ng Diyos, pumasa naman ako!!!

August
14 - i finally got my own car, UPY... pero huhulugan ko for 72 months... (kamusta naman yun?!)
27 - FIRST DAY OF CLASSES at CSN-Cheyenne!!! (late pa rin ako... haha)
28 - FIRST DAY OF CLASSES at CSN-Henderson!!! (uy, di ako late =))

September
08 - 1st year anniversary ng RAINE meets BATISTA Day!
- Mama Mary's Birthday
14 - putik, nadale apat na gulong ko... butas lahat dahil sa spikes!
15 - nagbayad ako ng almost $500 para sa mga lintik na gulong na yan...
29 - OMG!!! BATISTA-RAINE-JOHN CENA DAY!!! waaahhh!!!
- this was the first time na umiyak ako dahil sa tuwa...

October
01 - John Cena got injured... DAMN!!!
08 - ipinasok sa Chinese Gen. ang nanay (lola) ko...
18 - tinanong ako ng prof. ko kung gusto ko raw ba maging PRO-WRESTLER??? hehe
19 - one of the saddest days of my life... halos maubusan na ako ng luha kaiiyak... this was the day na nalaman ko kung ano ang talagang sakit ng nanay ko
22 - 1AM, lumipad ako pabalik ng pinas
23 - around 11AM, muli kong nasilayan ang lupain ng pinas
- derecho ako ng hospital para sa nanay ko
28 - binyag ni JOHN FELIX
30 - dito ko naisip na bahala na si Lord sa kung anumang mangyayari

November
02 - birthday ng Mama Ronie
- umuwi na kami sa bahay mula sa Chinese Gen. Hospital
04 - nakapagsimba ulit ako sa Sto. Cristo Church
07 - it was her last night.. i was still by her side.. iniwan ko lang syang natutulog..
08 - umalis na si nanay..
11 - mi ultimo adios..
13 - paalam muli sa bansang pinas...
29 - sabi ng mga classmates ko sa JOUR 101, "badass" daw ako.. hehe

December
08 - isang buwan na ang nakalipas
13 - last day of school!
17 - nung 2006, sa araw na ito, nag-celebrate pa kami ng 18th bday ko, iba na ngaun
19 - DAMN RIGHT! it's the 19th...42 days...
25 - 1st Xmas in Vegas
30 - usap kami tatay (lolo) ko
- 1st time ko magsimba sa St. Anne
31 - araw nang ginawa ko 'to

Sunday, July 22, 2007

Predictions kuno for The Bash...






Yahoo!!! Heto na ang pinakaaabangang...


"Predictions kuno!!!"

Ilang oras na lang at masasaksihan na ng buong mundo ang pinaka-latest na Pay-Per-View ng WWE. Yes folks, The Great American Bash is around the corner, kaya naman hindi na magkamayaw ang mga wrestling fans around the world for this another historic event in sports and entertainment.



Out of 9 matches, 7 of them will have a corresponding Title on the line. But right now, sisimulan natin ang ating predictions sa natitirang dalawang face-off.
In the past few weeks, Carlito wasn't able to stay "cool" about Sandman's arrival on Raw. Kaya naman hindi rin nakapagtataka kung hindi rin "cool" ang tingin sa kanya ng ating Hardcore Icon. If the Carribean Cool won't win at the Bash, it wouldn't be surprising dahil kung naniniwala siya sa karma, aba eto na yun dahil sa pagiging disrespectful niya kina Lolo Ric Flair at sa kanyang ex na si Torrie. Oops! Bago ko makalimutan, hindi rin nga pala niya iginalang ang pagdating sa Raw ng kanyang magiging opponent sa Bash.



And since we've been talking about "being disrespectful", our next match is also having some issues about the word RESPECT. Dusty Rhodes will give Randy Orton some lessons on how to treat people, especially those who brought him in the business, with respect. The Hall of Famer and considered as one of the Legends will be in a Texas Bull-Rope match against the Legend Killer. But it looks like the "legend" of the Bionic Elbow won't be killed with an ambitious and arrogant RKO. Randy might have "ended" the careers of Shawn Michaels and RVD, but with the American Dream at the American Bash? I don't think so.



Now, let's talk about The Hardys and their Championship matches at the Bash.

Matt will have a chance to grab the United States Title from Montell Vontavious Porter, while Jeff is going to battle against Umaga to be the new Intercontinental Champion. Actually, in the past years of having The Hardys in this business, I can't find anything wrong for them not to win in their respective matches. Matt and Jeff have proven their worth and it seems like the Bash will give them a a great twist of fate.

Jimmy Wang Yang, Shannon Moore, Jamie Noble and Funaki will try to grab the Cruiserweight Title from Chavo Guerrero. Pero out of all these people who want to win, mukang the one who has the word "warrior" in his name will win. At wala nang iba pa kungdi si Chavo.



A candy-coated match will have a little bit of spice as Candice defends her gold against Melina. The Women's Title will be on the line again and Melina is really determined to bring the gold back on her waist. But as what I feel about this match, the Diva who used to be an eye-candy will successfully defend her Title and will have a sweet taste of victory.


And we're down to three Titles. Let's have first the ECW World Championship.


Kasabay ng pagpalit ng ringname ni Johnny Nitro into John Morrison, mukang mas lalo siyang naging aggressive. Parang may sudden change sa kanya na hindi ko maipaliwanag. I mean it's obvious na iba na yung name niya pero I don't know why I feel na siya pa rin ang uuwing ECW Champion. For CM Punk, I can feel na he's going to be a champion but it won't happen at the Bash. Pero I'm sure that it would be pretty soon.


Second to the last will be our World Heavyweight Championship. Wow, as in, it will be a Triple Threat Match for the gold. The Great Khali will defend the Title, which he won from a 20-men battle royal, against Kane and Batista. Sa totoo lang, masama ang loob ko dahil siya ang naging World Heavyweight Champion after Edge. Nakakainis kasi hindi ko siya makitaan ng wrestling talent. I mean, wala sa kanya yung ningning ng pagiging pro-wrestler. Malaki lang siya, ayun lang. I'm really disappointed when he became the winner of the 20-men battle royal. I'd rather see Edge carrying the Title. Kasi kahit oportunista siya, he can definitely wrestle.


Well, kung sa magiging World Heavyweight Champion after the Bash, I'll go for Batista. Teka lang, hindi porke die-hard fan ako ni Papa Dave eh nagiging bias ako noh. I really believe that everything happens for a reason and supossedly, The Animal would never have a championship match while Edge is still the reigning champion because of his loss at Vengeance. Everything was really polished for The Great American Bash: Kane vs. Edge and Batista vs. Khali. BUT everything changes in a second and before you know it, hindi na si Edge ang World Heavyweight Champion. My point here is I didn't expect na magiging napakaaga ng muling pagkatok ng isang championship match kay Dave. And I think the Title wants to be back in his arms too.


Last but not the least will be the epic battle between John Cena and Bobby Lashley for the WWE Championship. Grabe, nakakaloka talaga ito dahil Cena has been with the strongest, biggest and greatest wrestlers in his entire career. On the other hand, Lashley had proven his great athletic ability and power during his time as an amateur wrestler. Well ganun din naman sa kanyang career as a pro. This match for the WWE Championship is really unpredictable pero talagang ginawa ko ang lahat, maka-predict lang ako ng winner. =)


I see John Cena as the victorious one and the true CHAMP after the Bash. As I've said earlier, a lot of obstacles and challenges were placed on his plate but still, he won't quit and he never backed down. Lashley is really a physical challenge for Cena. However, Cena's passion and character that brought him to the top will definitely make him stay as The Champ.



Waaaaaaaaaaahhhhhhh!!! You see how exciting this PPV will be? I see four new champs and three successfully defended titles. Oh well, I just hope my instinct won't let me down. hehehehe...



See you at the Bash!!!




See yah at The Great American Bash!!!

Monday, June 25, 2007

R.I.P. Chris Benoit 1967-2007

Monday Night RAW should've had a 3-hour special presentation to remember the "demise" of the WWE Chairman Mr. McMahon.

It was supposed to be a gathering of all WWE Superstars from RAW, SmackDown and ECW, but a twist of fate made them and the fans around the world pay tribute to someone who had left the squared-circle forever.


WWE Superstar Chris Benoit is dead.


It was today, June 25, 2007, around 2:30 PM, when the Rabid Wolverine, his wife Nancy, and their son Daniel, were found lifeless inside their house back in Atlanta, Georgia.


The exact details are not yet known and investigators still continue to search for more accurate answers to the public's streak of questions. But according to some websites, it was a double-murder suicide.


"It has been confirmed by WWE.com that it has been infact a murder-suicide. The death dates of his (Benoit) family are currently unknown, but Benoit took his own life between the 23rd and the 24th." (Wikipedia.org)


Last Sunday, June 24th, Benoit should've been to WWE's latest Pay-Per-View, "Vengeance." He was scheduled to have a match against CM Punk for the vacant ECW World Heavyweight Title. The fans around the arena kept chanting his name, but the Canadian Crippler's anxious fans just waited for nothing.


"The match was supposed to feature Chris Benoit and Punk for the ECW World Title, but the Rabid Wolverine had to back out due to personal reasons." (WWE.com)


His last match would technically be last June 19 on ECW. It was actually his ECW debut after being drafted from Friday Night SmackDown. He became victorious against Elijah Burke, making him advance to the ECW Championship match at Vengeance.


Until this time, relatives, fans and the wrestling industry is still mourning not only for the loss of one of the greatest WWE Superstars, but also for the death of his family. Such questions about this tragedy might be answered in due time, but it can never bring back the lives that were lost.


No one knows how WWE and its fans can recover from this painful situation. Flying headbutts, German Suplex, Sharpshooter and the Crippler Crossface wouldn't be the same without Chris Benoit. But even though he's not here today, his memory will remain in the hearts of the people who believed in him. And that will surely never die.



May their souls rest in peace...

Thursday, April 26, 2007

TIGER...

xa ang aking pinakamamahal na pet, si TIGER...
ganyan talaga xa, mahilig matulog... hehehehe

fly fly na ang beauty ko!

ilang araw na lang, makakasakay na ko ng eroplano!!!
AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!

Tuesday, April 10, 2007

Predictions...Part II

Well....well...well, Wrestlemania 23 is over. After watching it, naging happy naman ako although isa sa mga hinulaan kong mananalo eh kabaligtaran ang nangyari...


Anyway, I was really amazed sa sobrang ganda ng production ng WM23 ha, talagang pinagkagastusan... And imagine, almost 80,103 ang number ng audience na nanuod ng live sa Ford Field in Detroit, Michigan... Actually, nabanggit din na nakapagtala ang WM23 ng new record dahil sa number ng nanuod ng live..


In fairness, nagustuhan ko naman lahat ng match except yung sa Women's Championship.. Sobrang nakulangan ako sa naging match nina Melina at Ashley.. Parang hindi pang-WM ang dating eh..And sa palagay ko, yun din ang na-feel ng mga tao sa Ford Field kasi bihira lang sila mag-cheer during the said Diva Match...


Hmp! Wala naman na akong magagawa dun, tapos na yun eh... hehehe =)


Anyway, sobrang sad ako for Papa Dave kasi di na xa yung World Heavyweight Champion...huhuhuhuhu... Hay naku, bayaan mo, mababalik din sau yun!!!

Sa Battle of the Billionaires naman, kakatuwa nung sinugod ni Trump si Vince at binigyan ng isang nakakalokang clothesline!!! At, WWE's Boss got his head shaved... (isa, dalawa, tatlo, ang tatay mong kalbo!!!hehehe)


May bagong nickname naman si Mr. Kennedy, at yun ay ang Mr. Money in the Bank... At sa ngayon, super curious na ko kung when and where nya balak i-cash in ang kanyang money.. And of course, kung sino ang balak nyang i-challenge..


Between John Cena and HBK, sa totoo lang kahit naman sinong manalo sa kanila, happy ako.. Na-feel ko ulit yung sobrang hunger nilang dalawa for the gold... Pero at the end na-retain ang Title ni Cena...kaya, THE CHAMP LIVES ON!!!


Oops, bago ko pala makalimutan, nagkaron din ng match between ECW Originals and The New Breed.. Nanalo ang ECW Originals composed of Rob Van Dam, Tommy Dreamer, Sabu and Sandman against Elijah Burke, Matt Striker, Kevin Thorn and Marcus Cor Von of The New Breed...


Chris Benoit proved that he's the true MVP dahil he successfully defended his United States Title against Montell Vontavious Porter..

At heto na ang hindi tumugma sa predictions ko.... Great Khali won against The Big Red Machine, Kane.. Kakainis kaya noh... Kailangang makabawi ni Kane!!!hmp!!!



Haayy, next year pala , Orlando, Florida naman ang dadagundong sa pagdating ng WM24..


Wow, sana makapunta ako noh?!?!?!? hehehehehe


O pano ba 'yan, what do you think, pwede na ba akong maging fortune teller??? hehehe





Fish tau!!!

Sunday, April 01, 2007

Predictions kuno.....hehehe

At this moment, Wrestlemania 23 is over... Pero as of now, hindi ko pa alam ang results..

But of course, meron naman akong mga predictions kung sino ang mananalo...

For the Money in the Bank Match, I think maglalaro kina Mr. Kennedy, Randy Orton and CM Punk ang mananalo.

Between Chris Benoit naman and Montell Vontavious Porter (MVP) for the United States Title, marami pang kakaining bigas 'tong si MVP bago nya matalo ang Rabid Wolverine. Kaya sure na sure akong Chris will successfully defend his U.S. Title.

Kahit naman sobrang laki nitong si Great Khali, eh mukhang hindi nya kakayanin ang powers ng big red machine na si Kane. Kung sa size natin titignan, talagang mas malaki si Khali pero sa wrestling skills, aba'y siguradong umaarangkada itong si Kane.

Playboy covergirl Ashley might be too hot for WM23 but I don't think she'll be able to take away the Women's Title from Melina. Why? Well, it's just that I'm not yet convinced with her "wrestling skills."

A billionaire will be bald after WM23. Pero sino naman kaya?

Hmmm.... I think Vince will look good pag nakalbo xa..hehehehe...

Pero seriously, I really feel na the ECW World Champion, Bobby Lashley will completely decimate the Samoan Bulldozer, Umaga..

Naku eto na, for the WWE Championship, waaaaahhhhh, I'm torn between John Cena and Shawn Michaels. Pareho ko silang favorite kaya hindi ako makapag-decide talaga...

Pero, sa tingin ko, mare-retain ni Cena ang kanyang Title. Hindi ko alam kung paano pero yun ang feeling ko.

At xempre, ang World Heavyweight Championship.... OMG!!!!! Xempre kahit anong mangyari, dun pa rin ako kay Papa Dave Batista noh... Die-hard Batista fan yata 'to!!!

Pero kailangan nating harapin ang katotohanan... Undertaker has a record of 14-0 sa kanyang WM Matches... At balita ko malapit na xang mag-retire (yun ang sabi) kaya ayoko mang isipin, sa tingin ko eh papaboran ng WWE na maging 15-0 ang record nya.

Well, wala namang kaso sa'kin yun eh... Kaya lang, xempre pag naging 15-0 ang record ni Taker, ibig sabihin talo si Papa Dave.. AT, ang hindi ko kayang tanggapin ay mawawala sa kanya ang World Heavyweight Title!!! aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!


Ok...ok...ok.... kailangan ko nang magpakahinahon....haaaayyyy...


Basta I hope na maging sobrang successful ang Wrestlemania 23 kasi ito ang first WM ko. I mean, ito yung time na WWE Fan na ako! hehehe


So pano, next time ulit, iuupdate ko na lang kau sa totoong results ng WM23... At malalaman na rin natin kung pwede na ba akong maging manghuhula..hehehe



Babush!!!

WRESTLEMANIA 23
All Grown Up

Sunday, March 25, 2007

wow, it's been a long time nang huli akong bumisita sa blog na ito... ano na ba ang bago sa'kin???

well, nandito ako ngaun sa bulacan, nagbabakasyon sa house ng ninang ko.. at dahil unlimited ang access sa internet, aba syempre, mag-aaksaya pa ba ako ng panahon??? =)

at hayun, kaka-internet ko, na-search ko ang trailer ng pinag-extrahan kong movie, "Saan Nagtatago si Happiness?"... yung scene na nasa likod ako ng bida (bale, naka-pila kami), was shown dun sa trailer...naka-blue ako dun so if ever na matalas ang iyong paningin (sana!) baka makita mo ako...hehehe

so here's the link ng trailer nung movie na nakuha ko from clickthecity.com:


http://www.clickthecity.com/clipcast/?playtyp=c&shcatid=5&mnshid=14&SHWID=160

Friday, January 26, 2007

GAME KNB?

kamusta naman???? tagal ko nang hindi bumisita dito...

well, ang dami ko kasing mga pinaggagawa nitong mga nakaraang araw..

last january 16, ininterview ako sa U.S. Embassy... at xempre, thank God, naipasa ko ang sobrang kakanerbyos na interview na yan..

january 18 naman, aba, akalain mong dumating kaagad ang visa ko...oh di ba, san ka pa?!?!?!?
at may dagdag pang sorpresa nung gabi......nakareceive ako ng text from Pilipinas, Game KNB?


january 19, tinawagan na ako ng contestant coordinator ng PGKNB and he confirmed na may screening by the following day..


so, fly-fly ang beauty ko sa ABS-CBN nung january 20 para sa screening...

akala ko nga hindi ako matatanggap kasi nung mag-written exam kami, nagkataon na mga hindi ko alam yung sagot sa mga questions... pero sa aking palagay, naging maganda naman yung pagsasalita ko at pagpapakilala ng sarili sa mga kasama ko sa screening... kailangan daw kasi na maging creative sa pag-introduce ng sarili..

at ito na nga, january 21, naku nagulat na lang ako nang makatanggap ako ng tawag at naloka ako dahil confirmed na nga ang pagsali ko sa PGKNB!!!!
pero xempre, tulad ng mga teleserye at pelikula, may conflict din dapat ito:
nagdadalawang isip akong pumunta sa ABS-CBN kasi may final examination ako sa araw din mismo ng taping namin..
ipit na ipit di ba????
pareho kong gusto pero kailangan kong mamili ng isa. napakahirap mag-decide kaya humingi ako ng tulong sa mga taong pinagkakatiwalaan ko pati na rin sa Kanya...
at ito ang nakapagbigay ng sagot sa akin... isang text message mula sa isang kaibigan:
"it's not everyday na makakalaro ka sa gknb..."
kaya sinabi ko sa sarili ko, bahala na... come what may..
kinabukasan, january 22, dumaan ako ng school para magpaalam... wala raw assurance na pwede pa akong makakuha ng exam.. pero sabi nila, it's my decision daw...
kaya tumuloy ako...
2 PM ang call time sa dressing room #2... xempre, ayun, may briefing muna, practice game and libreng make-up at pag-style sa hair.. (ang taray di ba???)
sa pangalawang game ako naka-schedule, so habang naghihintay, ayun, binusog muna namin ang aming mga mata sa mga artistang dumadaan sa hallway...
at around 6 PM, nag-start na ang aking laro..
sabi ko sa sarili ko, kung anuman ang mangyari, ang mahalaga nakarating ako dun at ma-enjoy ko ang laro..
at yun nga ang ginawa ko... mejo atat na atat akong mag-swipe kaya sa first two questions ng atras-abante round eh mali ako...
pero mabait talaga si Lord!!! hindi Niya ako hinayaan na magkamali ng magkamali..
una akong nakarating sa yellow lane, at may bonus na 10k..
pero sa challenge round, ayun, down to two answers kami at talagang na-blangko na ko...
but for me, ok na rin eh... tignan mo naman, ang daming blessings na dumating di ba????(pwera usog!!!)
talagang iba Siya...
kung hindi man ako naging champion, wagi pa rin ako sa dami ng blessings Niya sa'kin...
haayy...
siguro, hindi ko pa rin time para maging champion talaga...
pero i know naman na darating din yung time na ako rin ang hihirangin na CHAMPION...
basta't magtiwala lang ako sa Kanya...
so panu, next time na lang ulit!!!

Sunday, December 24, 2006

Tayo ay magdiwang
Sa Kanyang pagsilang
Ipahayag ang dulot Niyang kaligtasan
Damhin ang simoy ng kapaskuhan
At diwa ng kapayapaan,
Ating pagsaluhan
Maligayang Pasko sa ating Lahat!!!!

mga tula...


Kalungkutan

Sa likod ng aking masasayang ngiti
Larawan ng kalungkuta'y aking ikinukubli
Bahagi ng nakaraang aking naranasan
Kung bakit ba'y patuloy akong binabalik-balikan
Mga luhang ayaw nang pumatak
Kirot sa puso dulot ay pangamba
Hanggang kailan kaya itong aking pagdurusa
Umaasa na lang sa bagong umaga

Katagumpayan
Sinikap kong patagin ang mga lubak
Unos ay sinuong, panganib ma'y nakaambang
Pati maanghang na salita aking tinaggap
Ganito ba talaga ang pag-abot ng pangarap?
Sa basbas ng Maylikha ako'y tumindig
Itinuloy ang laban nang walang inaasahan
Kumapit sa pangakong hindi Niya iiwan
Salamat sa tagumpay na aking nakamtan

Kasawian
Dugo't pawis aking ibinigay
Pati buhay, lubos na inialay
Ano pa ba ang kulang sa'king pagsisikap?
At hindi ko nakamtan aking pinapangarap
O anong sakit ang mabigo!
Daig pa ang sibat na itinarak sa'king puso
Saksi ang lahat sa dinanas kong paghihirap
Mailap na tagumpay sana naman ay mahagilap

Kaligayahan
Ngiti ang aking salubong sa bawat umaga
Sabay yakap sa buhay mula sa Kanya
Hindi ba't kay sarap ng Kanyang mga biyaya
Marahil ang "SALAMAT" ay kulang pa
Wala akong pangamba sa mga problema
Pagkat sa Kanya ako ay umaasa
Sa tamis ng buhay ako'y nagsasaya
Ligaya ang dulot, makapaglingkod lamang sa Kanya

birthday/reunion

wow!!! kamusta naman ang blog ko??? hehehe... tagal ko nang di nag-post ah..

well anu ba?? hmmm... kasi ganito, maxado akong naging busy nitong mga nakaraang araw..


last december 17, nagkaroon ng kaunting salu-salo dito sa aming tahanan kung saan ipinagdiwang namin ang aking 18th birthday..


pero ang talagang birthday ko eh sa 19... kaya lang, may pasok..


sa kabuuan, masaya naman ang araw na iyon... panu, hindi lang naman kasi xa basta birthday eh... parang naging reunion din ng aming pamilya..


kumpleto ang lahat ng anak nina tatay at nanay (lolo at lola)..

aba, bihira na lang mangyari yun dahil sa dinami ba naman nilang magkakapatid (8 po sila), nakumpleto sila sa masayang araw na yun...


nagkita-kita rin kaming magpipinsan...


ang saya talaga.... as in..


at tulad ng linya sa isang kanta, eto ang masasabi ko:


sana maulit muli....

Monday, December 11, 2006

ganda nitong kanta...

BREAKAWAY

Grew up in a small town
And when the rain would fall down
I just stared out my window
Dreaming of what could be
And if I'd end up happyI would pray (I would pray)
Trying not to reach out
But when I'd try to speak out
Felt like no one could hear me
Wanted to belong here
But something felt so wrong here
So I pray (I would pray)
I could breakaway

[Chorus:]
I'll spread my wings and I'll learn how to fly
I'll do what it takes til' I touch the sky
I'll make a wish
Take a chance
Make a change
And breakaway
Out of the darkness and into the sun
But I won't forget all the ones that I loved
I'll take a risk
Take a chance
Make a change
And breakaway

Wanna feel the warm breeze
Sleep under a palm tree
Feel the rush of the ocean
Get onboard a fast train
Travel on a jet plane, far away (I will)
And breakaway

[Chorus]

Buildings with a hundred floors
Swinging around revolving doors
Maybe I don't know where they'll take me but
Gotta keep moving on, moving onFly away, breakaway

I'll spread my wings
And I'll learn how to fly
Though it's not easy to tell you goodbye
I gotta take a risk
Take a chance
Make a change
And breakaway
Out of the darkness and into the sun
But I won't forget the place I come from
I gotta take a risk
Take a chance
Make a change
And breakaway, breakaway, breakaway

Saturday, December 09, 2006

heLLo...

ok so isa na namang normal na araw ng sabado para sa'kin...


anu bang masasabi ko??


hmmmm.... sige, esep-esep tau...


nung thursday nga pala eh nag-punta ako ng gateway at greenhills... magkakasama kami nina ate camille at ni angelo... tawa kami ng tawa habang nag-iikot na may halong okray sa kung anu-anong mga bagay.... hehehe


nga pala, may milagro na namang dumating sa aking buhay... di ko muna sasabihin pero all i can say is sobrang SALAMAT kay Mama Mary para sa blessing na ito...


hmmm, anu pa ba???


birthday ni ate guy bukas... HAPPY BIRTHDAY ATE GUY!!!! (ayan ha, para malaman mo na binati kita, naku eh dapat basahin mo 'tong blog ko... hehe)


parang nakakatamad nga itong araw na ito... weLL actuaLLy hindi lang naman ngaun, pati nung mga nakaraang araw pa... ewan ko ba kung bakit...


haayy naku, sige na, next time ulit,,,tinatamad na kong mag-type...

Wednesday, November 29, 2006

aaLis na si Lita..

hay naku, anu ba'yan... after trish stratus' retirement, ngaun si lita naman...


pero mas gusto ko si trish ah, pati si mickie james (di ba Angelo?!?!)


but i have to admit, magaling talaga si lita... ang taray ng mga moves nya: ang pamatay nyang DDT, at moonsault among others..

eh kasi naman eh, inaaway niya si trish at si mickie eh....hmp!
hehehe
pero panu na kaya ang mga WWE DIVAS?? eh parang ang mangyayari nito eh puro pagandahan na lang ng katawan ang mangyayari sa kanila???


baka mamaya nyan, maging Women's Champion si mickie sa loob ng mahabang panahon...


hay naku...


pero nakakalungkot lang talagang isipin na di ko na makikita si lita na pakalat-kalat sa RAW...


basta ang masasabi ko na lang, mami-miss namin xa ni Angelo...



huhuhuhu

no cLasses..

o di ba, ang taray!! kadarating ko pa lang from school nang biglang salubungin ako ng aking lola ng mga pahayag na wala raw pasok bukas..

grabe... pero 50-50 ang naging reaction ko... masaya ako kasi hindi ko kailangang gumising ng maaga bukas, pero sa kabilang banda, napaisip din ako.... bakit bukas pa??


kung kelan naman isa lang ang klase ko at makakapag-internet ako buong maghapon habang naghihintay sa'king mga classmates para naman magkakasabay kaming umuwi, dun pa nawalan ng klase...
hay naku, ika nga nila, weather-weather lang yan!!!
pero ako, heto na lang siguro ang masasabi ko...
OMG!!!

Friday, November 24, 2006

meow, meow...

nais ko lamang mabigyan ng katarungan ang isang pusa na walang kamalay-malay na nakakain ng pagkaing may lason...


bakit ba ganyan ang ibang mga tao??? sarili lang nila ang iniisip nila... kasalanan ba nung pusa na may nakita xang pagkain sa bahay nyo at kinain nya nang walang paalam???


susme!!! baka naman sampalin mo ko ng tanung na bakit ba ako nakikialam??


eh bakit ba hindi ako makikialam??? hindi mo ba alam na kung hindi na-tempt ung pusa sa pagkain nyo, hindi nya kakainin yun...


di ba nga mas mataas tau sa mga hayop??? eh bakit ba hindi mo man lang naisip na takpan yang pagkain nyo nang hindi maakyat ng anumang hayop na nagkalat sa paligid!!!


at ang mas nakakaloka pa, you killed the poor cat, na alam mong walang kalaban-laban sau!!!


palihim mo pang tinira, pinakain mo ng food na may lason....


ang galing mo!!! nakabawi ka na rin sa kawawang pusa noh??? pero the bottomline is hindi mangyayari yun kung hindi dahil sa napaka-mautak mong paraan ng pag-iwan ng pagkain mo...



haayy, i hope hindi ka balikan ng isang milyong kalmot ng pusa dahil sa ginawa mo...




grabe asar ko noh??? pero yan ang hinala namin sa misteryong pagkamatay ng isang pusa dito sa'min.... ugali talaga niya kasi na basta may makitang chibog at nagkataong gutom xa eh titirahin niya..


kawawa naman kasi eh... meron namang ibang paraan para mapaalis mo yung pusa nang hindi mo xa pinapatay di ba???



haayy naku, ibang tao talaga, padalus-dalos....


pwede ba, LEARN HOW TO THINK TWICE!!!


tsk tsk tsk...

Tuesday, November 21, 2006

infairness, binasa ko to,,,

ang creepy nito sobra:

http://www.theonion.com/content/node/30940


maawa ka na, basahin mo na rin ha???


minsan na nga lang ako mangyaya na magbasa eh... = )

Sunday, November 19, 2006

kung dati mabuhey, ngayon mabuhay!!!

yahoo!!! nanalo si kuya pacman sa ikatlong rematch nila ni kakosang erik morales!!!

in short, TINAPOS NI PACQUIAO!!!

ang saya-saya naman.... biruin mo, sa 3rd rematch nila, na TKO si morales sa 3rd round!!!

haaayy, kaya ba gustong-gusto ko ang numero tres eh...



teka, nakita ko si rey mysterio, kasama ni morales... obvious naman noh!!! alangan namang kay pacman xa sumama...



don't worry rey, im still your fan... di naman ikaw ang kalaban ni pacman eh...


yung friend mo lang...


hehehehe


kinilabutan naman ako kay sarah geronimo!!! grabe talaga xang kumanta!!!


hayy naku...


basta, SALAMAT pa rin kay Lord at hindi niya hinayaang matalo ang People's Champ...

SALAMAT din dahil ipinaramdam niya sa lahat na ang sarap talagang maging Pinoy!!!!


mabuhay!!!

Monday, November 06, 2006

mabuhey....

hellouer!!! well, i just finished my assignment for our feature writing class...


(ate, ba't nagi-ingles ka??, etong sampal...pak...)



aray..aray ko...


duh??? what are you talking about??? you know what, you're so kaka.... kaka-azzzzar...

coz u know what, its already 12:53 am...

and u know what,, im still awake!!!!



(toink!!!... sabog ka na naman siguro noh???)



OMG!!! OMG!!! ouch!!! what was that???? oh no... oh no... i feel so sleepy na...oh my gosh.... oh my gosh...


(matulog ka na nga!!!)


what??? you want me to sleep??? no!!! NO!!! NOOOOOOOOOOO!!!!!!!!



(ayaw mo talaga???? hetong sau...... BATISTA BOMB!!!)



BATISTA BOMB!!!! OMG!!! OMG!!!! i like that!!!! OMG!!! OMG!!! O......M......G......zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz



(eh di nakatulog ka na rin....... hay naku... o pano, magandang gabi-umaga sa lahat!!!! pati na rin sau.... matutulog na rin ako!!! hehehehehe.....God Bless)

web stats analysis