Ang Aking Kwento....

Tuesday, January 31, 2006

waLang magawa...

nandito kami nina kuya julius at yuri sa newsroom...

haayy, di pa rin nagsisimula yung meeting namin for NSTP..

wahahahaaha....

sana matanggap ako sa HERO Channel...

heheheehehhe

papalitan ko sina B1 at B2...

joke joke joke


yan ang napapala ng mga taong walang magawa...


kung anu-ano ang nasasabi....



uuuuyyyy, si kuya julius, kinikilig nang marinig name ni jan!!!!


uuuuyyyy, si yuri, inaantay si myka...... (asa ness)


hehehehehe

kakainggit naman....





ang bilis talaga ng panahon.... parang kailan lang, baby pa ko, tapos, eto, malaki na....

pero parang ang sarap ding balikan ng mga panahon na iyon... wala akong masyadong iniisip.... ang problema ko lang eh lagi akong nakaasa sa iba....

haayy.... ang laki na ng ipinagbago ko... maski ako, hindi makapaniwalang ako pala yang cute na baby na yan (o wag ka nang lumaban!!!)

naiinggit ako sa kanya kasi parang ang saya-saya niya... lahat ng atensyon nakatuon sa kanya.... lahat ng pagmamahal na sa kanya... at higit sa lahat, may pamilya siya...

pero ngayon, wala na.... isa-isa silang lumalayo sa'kin... hindi ko maintindihan kung ako ba ang napapalayo o sila lang talaga ang lumalayo??? ang drama noh?!?!? ano naman ang gagawin ko, eh yun talaga ang nararamdaman ko...

nobody wants to love me
its my family's obligation kaya lang nila ginagawa yun
but i know, if they would be given a chance
para mamili bago pa man ako ipanganak,
i know, hindi ako ang pipiliin nila...

there's something wrong with me
but i could not explain kung ano
i'm in this world na minsan, gusto kong takasan
but how?

don't worry, hinding-hindi ako magpapakamatay
magulo lang talaga ang isip ko..

can someone tell me who am i?
where am i?
why am i here?
hanggang kelan?
hanggang saan?
how could i survive this whole thing?

hay, ano na ba talagang nangyayari??
pakiramdam ko, nasa isang teleserye ako na
nagaway-away ang mga writers kaya nagkagulo-gulo ang story

pwede, please lang, ayusin niyo naman tong story ko
para kahit paano, bumalik naman yung mga ngiting
katulad sa batang kinaiinggitan ko....

whew, tindi ng kadramahan ko... but i hope magiging ok din ang lahat... nawa'y paggising ko isang araw, ok na.... i know life would be incomplete without problems... pampaasim nga ng buhay yun eh.. pero sana kayanin ko 'to.... lahat ng ito....

Ang Aking Kaibigan

weLL, itong isa eh nakakuha ng 95% mula sa Filipino prof ko, salamat Ma'am Rada!!!!


Ang Aking Kaibigan

Sa tuwing ako ay nag-iisa
Anino ng sinuman, wala akong makasama
Halos mabaliw ng walang makausap
Pwede na kahit anong mahagilap

Sa aking pagmamasid bigla kong napuna
Isang marikit na bagay na sa iba'y laos na
O anong ligalig ang aking nadama
Sapagkat ako ngayo'y may kasama na

Ang aking katawan noo'y maliit
Ngunit ni minsa'y di niya ako inapi
Palaruang kay saya nahanap sa isa't isa
Nawa'y di tayo mawalay sa tuwina

Nang ako'y biglang mamulat
Sa bagong umagang aking inasam
Aking gulat nang siya'y magpaalam
O anong sakit ang aking dinamdam

Wala na ang aking kaibigan
Ang tanging saksi sa aking kamusmusan
Sa puso ko'y may hapdi sa'yong paglisan
Ngunit tamis ng ala-ala'y di ko malilimutan



masaya ako sa tulang ito.... mabilisan lang kasi ang paggawa ko nito pero nagustuhan naman nila...... pano, ayaw ko mag-drawing, mahirap na, baka mamangha pa ang lahat!!!! hehehehehe

para kay myka



mabasa mo kaya ito?? wala naman akong pakialam kung hindi, basta, etong gusto kong sabihin ngaun....


alam mo bang sobra na akong nag-aalala sau?? pano ba naman kasi, isang dekada ka nang hindi nagpapakita sa amin.... ni ha o ho, wala.... tama ba naman
yun??

haayy, buti pa dito, kahit paano ay may magbabasa (sana lang)..... baka kasi lahat ng message ko sau sa ym hindi mo na binabasa...

ano ka ba??

wag ka mag-alala, hindi ako galit sa'yo... nagtatampo lang ako kasi feeling ko, kinalimutan mo na kaming lahat..

may problema ka ba??

well, lahat tayo may problema pero nasa sa'yo na lang yan kung papatalo ka dyan..

and we're all here for you.... (especially yuri!!!)

hindi ka nag-iisa...


alam mo, kahit pudpud na tong daliri ko kakagawa ng message para s'yo, tuloy lang me...

concern ako sa'yo kasi kaibigan kita...


grabe, ang drama di ba?? pero yun ang totoo...


magmilagro sana at kahit paano, magparamdam ka naman....

dude, ang baduy!!!!

Eto yung na-publish na poem ko sa school paper namin nung high school....



Manhid ka ba o manhid?

Sa bawat pagmulat nitong aking mata
Walang ibang nais makita kundi siya
Pilitin ko mang ibaling ang atensiyon sa iba
Hindi pa rin maalis ang damdamin sa'yo sinta

Subukan ko mang lumayo sa'yo
Kaya ng isip, pero hindi ng puso ko
Hay, ano ba kasi itong nadarama ko
Pag-ibig ba o paghanga lang sa'yo

Sabi pa nga nila, manhid daw ako
Ang sagot ko naman, hindi noh!
Pero, bigla-bigla, napatigil ako
Sino kayang mas manhid sa'tin? Ikaw ba o ako?

Hmp! Kahit ano pang sabihin nila
Isa lang ang alam ko sa tuwina
Masaya ako kapag kasama kita
Sana ikaw rin, hindi maging manhid, di ba?







grabe!!!! kapag binabasa ko to ngaun, kinikilabutan ako!!!!

waaaaaaaaahhhhhhhh!!!!!! dude, ang baduy sobra!!!!!

Clean and Green Project...

weLL, kailangan ko pang pumasok sa school bukas para sa aming NSTP...

we have to do some planning ulit and paper works na talagang marami..

but i hope magawa nga namin lahat yun...

and i think, kaya naman namin yun...

kami pa?!?!?!?

hehehehe

we have this Clean and Green Project para sa Times at sa may island... at talagang gagawin namin ang lahat, mapaganda yun...

siyempre, lugar natin yun and that's a part of our community service...

kaya dapat, talagang energy level kami dito...

haayyy, hope we could make it


basta JS1A, kaya natin to!!!!

Monday, January 30, 2006

Gabi na.....

Grabe, 12:40 am na, and nandito pa rin ako.... ala kasing magawa dahil sem break..... di pa rin naman ako inaantok..... haaayyy...... ano kaya gagawin ko nito?????

sarap kasing mag-isip pag madaling araw na........ tahimik at wala nang makakaistorbo sau....

yun nga lang, katakot kasi madilim....

hehehehe

pero sa mga ganitong oras kasi ako mas nakakapag-isip...

mas nalalaman ko kung ano ang dapat gawin..

mas nakikilala ko kung sino talaga ako...

hindi lang pala ako si jeraine na lagi mong nakikita araw-araw....


sa likod nun, isang misteryosang tao na maski ako, nahihirapang tuklasin kung sino...

web stats analysis