Ang Aking Kaibigan
weLL, itong isa eh nakakuha ng 95% mula sa Filipino prof ko, salamat Ma'am Rada!!!!
Ang Aking Kaibigan
Sa tuwing ako ay nag-iisa
Anino ng sinuman, wala akong makasama
Halos mabaliw ng walang makausap
Pwede na kahit anong mahagilap
Sa aking pagmamasid bigla kong napuna
Isang marikit na bagay na sa iba'y laos na
O anong ligalig ang aking nadama
Sapagkat ako ngayo'y may kasama na
Ang aking katawan noo'y maliit
Ngunit ni minsa'y di niya ako inapi
Palaruang kay saya nahanap sa isa't isa
Nawa'y di tayo mawalay sa tuwina
Nang ako'y biglang mamulat
Sa bagong umagang aking inasam
Aking gulat nang siya'y magpaalam
O anong sakit ang aking dinamdam
Wala na ang aking kaibigan
Ang tanging saksi sa aking kamusmusan
Sa puso ko'y may hapdi sa'yong paglisan
Ngunit tamis ng ala-ala'y di ko malilimutan
masaya ako sa tulang ito.... mabilisan lang kasi ang paggawa ko nito pero nagustuhan naman nila...... pano, ayaw ko mag-drawing, mahirap na, baka mamangha pa ang lahat!!!! hehehehehe
Sa tuwing ako ay nag-iisa
Anino ng sinuman, wala akong makasama
Halos mabaliw ng walang makausap
Pwede na kahit anong mahagilap
Sa aking pagmamasid bigla kong napuna
Isang marikit na bagay na sa iba'y laos na
O anong ligalig ang aking nadama
Sapagkat ako ngayo'y may kasama na
Ang aking katawan noo'y maliit
Ngunit ni minsa'y di niya ako inapi
Palaruang kay saya nahanap sa isa't isa
Nawa'y di tayo mawalay sa tuwina
Nang ako'y biglang mamulat
Sa bagong umagang aking inasam
Aking gulat nang siya'y magpaalam
O anong sakit ang aking dinamdam
Wala na ang aking kaibigan
Ang tanging saksi sa aking kamusmusan
Sa puso ko'y may hapdi sa'yong paglisan
Ngunit tamis ng ala-ala'y di ko malilimutan
masaya ako sa tulang ito.... mabilisan lang kasi ang paggawa ko nito pero nagustuhan naman nila...... pano, ayaw ko mag-drawing, mahirap na, baka mamangha pa ang lahat!!!! hehehehehe
0 Comments:
Post a Comment
<< Home