Ang Aking Kwento....

Sunday, December 24, 2006

Tayo ay magdiwang
Sa Kanyang pagsilang
Ipahayag ang dulot Niyang kaligtasan
Damhin ang simoy ng kapaskuhan
At diwa ng kapayapaan,
Ating pagsaluhan
Maligayang Pasko sa ating Lahat!!!!

mga tula...


Kalungkutan

Sa likod ng aking masasayang ngiti
Larawan ng kalungkuta'y aking ikinukubli
Bahagi ng nakaraang aking naranasan
Kung bakit ba'y patuloy akong binabalik-balikan
Mga luhang ayaw nang pumatak
Kirot sa puso dulot ay pangamba
Hanggang kailan kaya itong aking pagdurusa
Umaasa na lang sa bagong umaga

Katagumpayan
Sinikap kong patagin ang mga lubak
Unos ay sinuong, panganib ma'y nakaambang
Pati maanghang na salita aking tinaggap
Ganito ba talaga ang pag-abot ng pangarap?
Sa basbas ng Maylikha ako'y tumindig
Itinuloy ang laban nang walang inaasahan
Kumapit sa pangakong hindi Niya iiwan
Salamat sa tagumpay na aking nakamtan

Kasawian
Dugo't pawis aking ibinigay
Pati buhay, lubos na inialay
Ano pa ba ang kulang sa'king pagsisikap?
At hindi ko nakamtan aking pinapangarap
O anong sakit ang mabigo!
Daig pa ang sibat na itinarak sa'king puso
Saksi ang lahat sa dinanas kong paghihirap
Mailap na tagumpay sana naman ay mahagilap

Kaligayahan
Ngiti ang aking salubong sa bawat umaga
Sabay yakap sa buhay mula sa Kanya
Hindi ba't kay sarap ng Kanyang mga biyaya
Marahil ang "SALAMAT" ay kulang pa
Wala akong pangamba sa mga problema
Pagkat sa Kanya ako ay umaasa
Sa tamis ng buhay ako'y nagsasaya
Ligaya ang dulot, makapaglingkod lamang sa Kanya

birthday/reunion

wow!!! kamusta naman ang blog ko??? hehehe... tagal ko nang di nag-post ah..

well anu ba?? hmmm... kasi ganito, maxado akong naging busy nitong mga nakaraang araw..


last december 17, nagkaroon ng kaunting salu-salo dito sa aming tahanan kung saan ipinagdiwang namin ang aking 18th birthday..


pero ang talagang birthday ko eh sa 19... kaya lang, may pasok..


sa kabuuan, masaya naman ang araw na iyon... panu, hindi lang naman kasi xa basta birthday eh... parang naging reunion din ng aming pamilya..


kumpleto ang lahat ng anak nina tatay at nanay (lolo at lola)..

aba, bihira na lang mangyari yun dahil sa dinami ba naman nilang magkakapatid (8 po sila), nakumpleto sila sa masayang araw na yun...


nagkita-kita rin kaming magpipinsan...


ang saya talaga.... as in..


at tulad ng linya sa isang kanta, eto ang masasabi ko:


sana maulit muli....

Monday, December 11, 2006

ganda nitong kanta...

BREAKAWAY

Grew up in a small town
And when the rain would fall down
I just stared out my window
Dreaming of what could be
And if I'd end up happyI would pray (I would pray)
Trying not to reach out
But when I'd try to speak out
Felt like no one could hear me
Wanted to belong here
But something felt so wrong here
So I pray (I would pray)
I could breakaway

[Chorus:]
I'll spread my wings and I'll learn how to fly
I'll do what it takes til' I touch the sky
I'll make a wish
Take a chance
Make a change
And breakaway
Out of the darkness and into the sun
But I won't forget all the ones that I loved
I'll take a risk
Take a chance
Make a change
And breakaway

Wanna feel the warm breeze
Sleep under a palm tree
Feel the rush of the ocean
Get onboard a fast train
Travel on a jet plane, far away (I will)
And breakaway

[Chorus]

Buildings with a hundred floors
Swinging around revolving doors
Maybe I don't know where they'll take me but
Gotta keep moving on, moving onFly away, breakaway

I'll spread my wings
And I'll learn how to fly
Though it's not easy to tell you goodbye
I gotta take a risk
Take a chance
Make a change
And breakaway
Out of the darkness and into the sun
But I won't forget the place I come from
I gotta take a risk
Take a chance
Make a change
And breakaway, breakaway, breakaway

Saturday, December 09, 2006

heLLo...

ok so isa na namang normal na araw ng sabado para sa'kin...


anu bang masasabi ko??


hmmmm.... sige, esep-esep tau...


nung thursday nga pala eh nag-punta ako ng gateway at greenhills... magkakasama kami nina ate camille at ni angelo... tawa kami ng tawa habang nag-iikot na may halong okray sa kung anu-anong mga bagay.... hehehe


nga pala, may milagro na namang dumating sa aking buhay... di ko muna sasabihin pero all i can say is sobrang SALAMAT kay Mama Mary para sa blessing na ito...


hmmm, anu pa ba???


birthday ni ate guy bukas... HAPPY BIRTHDAY ATE GUY!!!! (ayan ha, para malaman mo na binati kita, naku eh dapat basahin mo 'tong blog ko... hehe)


parang nakakatamad nga itong araw na ito... weLL actuaLLy hindi lang naman ngaun, pati nung mga nakaraang araw pa... ewan ko ba kung bakit...


haayy naku, sige na, next time ulit,,,tinatamad na kong mag-type...

web stats analysis