Ang Aking Kwento....

Tuesday, July 25, 2006

ang kanta...

infairness ha, nakapag-compose ako ng kanta.... as in sarili ko at pati tono, ako mismo ang may kagagawan..

nagawa ko 'to kaninang madaling araw nang biglang pumasok ang mga salitang ito sa utak ko at ayaw talaga nila akong patulugin hangga't hindi ko ito isinusulat..

sa'king palagay, ok naman xa.. para nga 'to sa mga taong may lihim na pagtingin sa kanilang mga repapips!!! (hehehe....tagos ba???)

sa mga taong sa'king palagay ay talaga lamang mabait at mapagbigay dahil hinahayaan nila ang kanilang minamahal kung saan sila masaya...


sa mga friends ko tulad nina ____ at ____, hehehe, ok lang yan... alam niyo, minsan kasi may mga bagay na dapat eh ganun na lang talaga... kung hindi pwedeng maging "kayo', at least, magkaibigan pa rin kayo... at mas madali yun dahil wala kayong expectations sa isa't isa..


sa totoo lang kasi, para sa'kin, hindi naman talaga importante yung tinatawag na "romantic love" eh... ang mahalaga rito ay yung nagkakaintindihan kayo ng kaibigan mo at ang importante, masaya kayo...

wag mo maxado isipin kung may gusto xang iba... at least sa tuwing masasaktan xa ng iba, ikaw naman ang nakakapagpasaya sa kanya....


o ano??

mas ok di ba??

PARE KO


I

Di ko alam
Di ko alam kung pa’no mo mapapansin
Damdamin kong itong, matagal nang lihim
Ano bang gagawin?
Sa aking damdamin
Para sa’yo, oh para sa’yo…


II

Di mo ramdam
Hindi mo ba ramdam pagmamahal ko
Dumaramay sa’yo sa kabiguan mo
Hanggang kaibigan lang ba ang turing mo?


CHORUS:

Pare ko
Andito lang ako
Umaasa’t maghihintay sakali mang mahalin mo
O pare ko
Ang pag-ibig ko sa’yo
Hindi ito magbabago
Kahit iba ang…..mahal mo


III

Manhid na ba?
Manhid na ba ang puso kong ‘to?
Tanggap ko ang lahat maging pagkukulang mo
Hanep talaga ang “tama” ko


Repeat CHORUS

(mahal mo….)



Bridge:

Ohh kung pagod ka na sa kanya
Wag ka nang mangangamba
Andito lang ako
Andito lang ako..

Isang lingon mo lang
May sasalo sa’yo
Sa puso mo
Narito…..ako


Repaet CHORUS


(ang mahal mo…. o pare ko…)


Karamay mo
Kaibigan mo
Nagmamahal……sa’yo





- TaLa 072506

Friday, July 07, 2006

manibela, gasoLina, kotse, at si blackie......wah!

nagsimula na ang driving lessons ko kahapon... grabe, nung una talagang ninerbyos ako...panu ba naman kasi noh, pinahawak kaagad sa'kin yung manibela!!!! tapos nung napaandar ko na, eh xempre, hindi naman ako VIP para solohin ang kalye, natural marami akong kasabay na mga jeep, iba't ibang cars, at higit sa lahat, ang kinatatakutan kong mga malalaking truck!!!
katuwa naman although hindi pa ko sanay sa pag-apak sa preno...pabigla-bigla kasi ako prumeno kaya ayun, nagmukha kaming nakasakay sa bump car...
pero kanina, haayyy, sobrang na-tense ako at aminado ako dun... paano ba naman kasi, nabangga yung sasakyan ng school!!!! ayoko naman talaga kasing dumirecho dahil feel ko aatras yung naka-park na vehicle na yun na tatawagin nating "BLACKIE" (kasi kulay black at chempong naka-black shirt din ako kanina)... eh may isa sa kanila na sinenyasan ako na tumuloy ako.... eh di go ang beauty ko...
tapos, hindi pa man ako tuluyang nakakalagpas, sabay atras naman itong blackie na ito at binangga ang car na minamaneho ko na pagmamay-ari pa naman nung driving school....
as in nayanig kami dahil mas malaki itong blackie na ito...at natakot ako kasi nga naman ako ang may hawak ng manibela di ba..
pero si kuya na aking instructor, ayun tamang lamig lang ng ulo... pinakalma ako at sinabing hindi ko kasalanan..buti nga sinabi niya yun kasi feel ko yung tatay ko, ako ang sisisihin... pero, hindi naman niya rin ginawa yun..
iyong blackie na ito ang may kasalanan.. or sabihin na lang natin na hindi rin naman nga sinasadya yun eh kasi baka hindi niya na-control yung bigat ng mga gulong na kargada ng sasakyan nila..
haayyyy...
kaya ang ending, ayun kinuha na lang ang contact number ko at ipapakausap na lang daw sa'kin yung boss niya..
at inurong na lang sa monday ang dapat sana'y pag-aaral ko ng pagmamaneho...

web stats analysis