Ang Aking Kwento....

Friday, July 07, 2006

manibela, gasoLina, kotse, at si blackie......wah!

nagsimula na ang driving lessons ko kahapon... grabe, nung una talagang ninerbyos ako...panu ba naman kasi noh, pinahawak kaagad sa'kin yung manibela!!!! tapos nung napaandar ko na, eh xempre, hindi naman ako VIP para solohin ang kalye, natural marami akong kasabay na mga jeep, iba't ibang cars, at higit sa lahat, ang kinatatakutan kong mga malalaking truck!!!
katuwa naman although hindi pa ko sanay sa pag-apak sa preno...pabigla-bigla kasi ako prumeno kaya ayun, nagmukha kaming nakasakay sa bump car...
pero kanina, haayyy, sobrang na-tense ako at aminado ako dun... paano ba naman kasi, nabangga yung sasakyan ng school!!!! ayoko naman talaga kasing dumirecho dahil feel ko aatras yung naka-park na vehicle na yun na tatawagin nating "BLACKIE" (kasi kulay black at chempong naka-black shirt din ako kanina)... eh may isa sa kanila na sinenyasan ako na tumuloy ako.... eh di go ang beauty ko...
tapos, hindi pa man ako tuluyang nakakalagpas, sabay atras naman itong blackie na ito at binangga ang car na minamaneho ko na pagmamay-ari pa naman nung driving school....
as in nayanig kami dahil mas malaki itong blackie na ito...at natakot ako kasi nga naman ako ang may hawak ng manibela di ba..
pero si kuya na aking instructor, ayun tamang lamig lang ng ulo... pinakalma ako at sinabing hindi ko kasalanan..buti nga sinabi niya yun kasi feel ko yung tatay ko, ako ang sisisihin... pero, hindi naman niya rin ginawa yun..
iyong blackie na ito ang may kasalanan.. or sabihin na lang natin na hindi rin naman nga sinasadya yun eh kasi baka hindi niya na-control yung bigat ng mga gulong na kargada ng sasakyan nila..
haayyyy...
kaya ang ending, ayun kinuha na lang ang contact number ko at ipapakausap na lang daw sa'kin yung boss niya..
at inurong na lang sa monday ang dapat sana'y pag-aaral ko ng pagmamaneho...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

web stats analysis