grabe, sobrang saya ko, as in!!!
alam mo ba yung feeling na akala mo hindi mo kayang gawin pero sa bandang huli magagawa mo nang higit pa sa inasahan mo...
well ganun ang nangyari sa'kin kahapon sa Fast Track Audition ng Philippine Idol..
9 AM pa lang, nagpunta nakami dun ng aking h.s. friend na si francia (saLamat franz!!!!)
sa 150 na nakapagpa-register, ako si number 124...
halos 6 PM na rin nang makakanta ako at ganito ang naging eksena...
pagdating ko sa front row, nag-sign of the cross ako..
nang tawagin na ang number 124, xempre, akyat ang beauty ko sa stage sabay sign of the cross ulit..
pagdating sa harap...
judge: you're jeraine?
tala: opojudge: jeraine grace?
tala: opojudge: jeraine grace cruz?
tala: yes po!!!
judge: ok, convince us
at ayun, sabay birit ng kantang "Fame"...
hanggang sa narinig ko na nagssnap ang mga tao at sinasabayan ang beat ng kanta ko..
at bago matapos, narinig ko ang kanilang mga palakpak..
bago ako bumaba ng stage, nag-sign of the cross ulit ako sabay ng aking pagluha...
lumuha ako kasi nagawa ko...
lumuha ako kasi alam ko hindi ko ipinahiya ang sarili ko at ang mga taong naniniwala sa kakayahan ko..
lumuha ako kasi hindi Niya ako pinabayaan..
kaya ibinabalik ko ang lahat ng pasasalamat sa Kanya at sa lahat ng naniwala at nakaka-appreciate sa'kin...
kayo ang nagpalakas ng loob ko..
nagpawala sa aking takot..
at tumulong para maniwala ako sa kung ano ang kaya ko..
balewala na sa'kin kahapon kung isa ako sa mga mapipili..alam ko at nakita ko na maraming iba pa na magagaling,, ang iniisip ko na lang talaga eh magawa ko ng maayos at maganda tapos kung mapili naman ako eh bonus na lang yun...
at kahit hindi ako napili, alam ko na naging maganda pa rin ang laban ko..
at masaya ako dun..
sobra...
kung anuman ang mga susunod na mangyayari at magiging laban ko, alam ko kakayanin ko...
SALAMAT sa lahat...
sa mga naniniwala sa'kin, kayo ang isa sa mga dahilan kung bakit pilit kong kinakaya ang mga laban sa buhay ko...
hinding-hindi ko makakalimutan ito...