Ang Aking Kwento....
Tuesday, October 31, 2006
"Raine and Batista Day"
yahoo!!! sa wakas, makakapagkwento na naman ulit ako!!!
teka, teka... ang huling post ko dito eh nung Sept. 3 pa... hay, alam mo ba kung ano ang nangyari sa'kin 5 days after nun???
hmmm, siguro alam mo na..o di naman kaya eh may idea ka na... pero kung talagang wala kang maisip, heto at pakinggan mo ang aking kwento...
teka, teka... ang huling post ko dito eh nung Sept. 3 pa... hay, alam mo ba kung ano ang nangyari sa'kin 5 days after nun???
hmmm, siguro alam mo na..o di naman kaya eh may idea ka na... pero kung talagang wala kang maisip, heto at pakinggan mo ang aking kwento...
bilangin natin ang 5 days after Sept. 3..... September 8 di ba??? birthday ni Mama Mary (happy birthday!!!)... maliban dun, ang September 8 ay ang "Raine and Batista Day"...
ahihihi... ang saya noh??? kasi ganito yun,,, nanalo ako sa Meet and Greet Batista Promo ng JackTV... bale ang mechanics nun eh magpapadala ka ng question for Batista at kapag sa tingin nila eh maganda yun, winner ka!
at iyon nga ang nangyari sa'kin, pero para mas malinaw, heto at basahin mo'to:
September 3 - nagpadala ako ng mga questions for papa Batista pero hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanilang sistema dahil puro "check your keywords chuchu" ang nirereply sa'kin...
September 4 - xempre, hindi sumuko ang beauty ko, nagtext ako gamit ang celphone ng aking ama... at sa kabutihang palad, may confirmation message na akong natanggap...
September 6 - 11:15 am, nagulat ako ng marinig ko ang aking ama na sumisigaw ng: "Jeraine, may tumatawag sa'yo, yung sa sinalihan mo, kay Batista!!!"... at duo'y kinausap nila ako at sinabing isa na raw ako sa mga finalists... pipapatext din nila sa'kin yung aking full name, address at age..
6:00 pm, heto na... nakatanggap na ako ng text message na nagsasabing nanalo na nga ako at kailangan kong pumunta sa office nila para i-claim yung invitations...
September 7 - kinuha namin ng ama ko yung invites sa office ng JackTV sa Makati... at simula nung oras nayun, gumawa ako ng countdown bago kami magkita ni papa Batista... dun ko din nalaman na magmula sa 19 questions na aking ipinadala, yung question no.3 (lucky number ko)ang napili...
September 8 - ang araw na pinakahihintay ko... pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkaroon pa ng aberya... nagkamali kami ng hotel na pinuntahan... akala kasi namin sa may Holiday Inn sa may Roxas Blvd., pero nagulantang na lang kami nang malamang sa may Holiday Inn sa Galleria pala... grabe... sobrang ninerbyos na ko nun... pagsakay namin ng taxi, feeling ko eh nasa Amazing Race ako at sinabi ko sa driver na:"Kuya, yung pinakamabilis na daan papuntang Holiday Inn sa Ortigas!"... at naku, may pa-suspense pa dahil mejo traffic (Pilipinas talaga...)...at sa awa ni Lord, nakarating kami dun at mejo naunahan namin si papa Batista...
at dumating na ang pinakahihintay ko... ang katuparan ng isa sa'king mga pangarap!!!(haLa!)... ang taong hindi ko inakalang makikita at makakausap ng personal, aba'y akalain mong nasa harapan ko na!!! nakausap ko na, nakamayan ko pa at natitigan ko pa ang kanyang napakagandang mata!!! pero ang isa pa sa hindi ko makakalimutan eh yung natuwa xa sa shirt na ipinakita ko.. sinabi ko kasi sa kanyang pinagawa ko pa talaga yun at ang nakalagay ay "I LOVE BATISTA"... xempre, pinirmahan niya yun ng pagkalaki-laki sa likod... actually, yun din ang sinuot ko nung nanuod ako last Oct. 22 ng WWE SmackDown Survivor Series Tour...
haaayy.. ang saya-saya talaga... as in suuuuupppppppeeeeeerrrrrrrrr!!!! feeling ko nga ang swerte-swerte ko kasi nitong July lang ako naging wrestling fan tapos heto at nagkita na kami ng isa sa mga Idols ko... pero hindi po ako umaangal ah... sobrang nagpapasalamat talaga ako lalu na kay Mama Mary kasi sabi ko sa kanya na yun na lang ang blow out nya sa'kin kasi nga birthday nya... talagang hinding-hindi ka bibiguin ng nasa itaas basta nagdasal ka... pero xempre, kung talagang para sa'yo, para sa'yo... at kung hindi naman, just wait dahil may mas magandang naghihintay...
o, baka nalulunod ka na sa kwento ko ah??? xenxa na kasi ngaun lang naman ulit ako nakapag-post... at least umabot bago mag-undas!!!hehehe
sige na at gabi na, promise kukwentuhan ulit kita.... kailangan ko nang matulog dahil may shooting pako bukas...
sa sementeryo!!! hehehehe
basta,
"I LOVE BATISTA!!!"