Ang Aking Kwento....

Friday, August 11, 2006

"DASH"

hanggang ngayon eh mejo windang pa rin ako sa pagkawala ng isa sa pinakamamahal at talaga namang inirerespeto kong professor, si Dr. Roberto Lazaro...

"Sir DASH" kung tawagin namin siya... sa unang tingin ko pa lang sa kanya noon, alam kong may ibubuga siya sa pagtuturo..

at hindi nga ako nagkamali


nawala man siya ay nakapagiwan naman siya ng isang bagay na kahit kailan ay hindi maaring nakawin sa akin ng ibang tao.. yun ay ang KARUNUNGAN...


marami akong natutunan sa kanya hindi lang sa loob ng classroom kundi pati na rin sa mga oras na kami ay nagkakasalubong at nakakapagkwentuhan..


isang guro na hinding-hindi ko makakalimutan
isang respetadong tao na may mabuting puso
isang tunay na edukado


naaalala ko pa nga nung huli kaming nagkita, tumatak sa aking isipan ang kanyang mga sinabi:

"magtapos kayo ha... tandaan niyo na ang sumuko, talo, ang lumaban, panalo at magtatagumpay.."



at ngayong wala ka na sa mundong ito Sir Dash, magsisilbi kang inspirasyon para ipagpatuloy ko ang sarili kong laban.. nasaan ka man ngayon, nais kong iparating sa'yo ang aking pasasalamat..


sa tatlong buwan ng pagiging magaling na propesor..
at sa halos isang taon ng pagiging magkaibigan,

Sir DASH, naging malaking bahagi ka ng buhay ko...



SALAMAT PO....

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

web stats analysis